Wednesday, March 21, 2007

Recollecting

The storm after the calm has passed. it's been two days now since we faced teh ultimate test in che165. we reported our topic about perforated plate column design to our instructor/department head Prof Rex Demafelis. all of us were very scared, excited, and worried before we reported. na-OOC kami kasi di kami sure kung mapapansin ba ni sir yung calculations namin tapos ano ba yung mga itatanong nya. sobrang nakakakaba. pero ayun, it started. it started smoothly until nung sinabi ni Serge na yung supposedly plate spacing e naging plate thickness. dun na nagsimula yung barrage of questions ni sir. pero nasagot at naayos naman kagad namin. after him Ria reported and madaming tinanong si sir na di naman part ni ria pero since lahat kami ay alam namin lahat ng topics, kahit sino ang tanungin ni sir sa amin about the report masasagot ng kahit sino sa amin. :D actually na-appreciate ko talaga mga groupmates ko nung time na yun. nung una iniisip ko na kung kami lang nina ria ang OC tapos maayos nga yung part namin, baka ang humila sa amin is yung iba naming groupmates. pero nagkamali ako. :D we reported individually but we answered as a group. nakakatuwa yung synergy naming lahat. as compared to other groups, pag sinabi ni sir na help him/her lahat kami ay naguunahan para tulungan yung groupmate namin. sobrang naging smooth flowing yung report kahit ang daming tanong si sir. wala na nga syang nagawa kungdi magtanong at tumango. and the best part is yet to come. nung sa calculations na halos di kami makahinga sa sobrang kaba pag nagtatanong si sir. pero ok naman pag nasagot namin para kaming binubunutan ng malaking tinik sa lalamunan sa tuwing nasasagot namin ang mga tanong ni sir. and at the end i was just so happy na natapos na kami pero what made my day/week/ and even my sem was sir's comment... "Hmmm Good! I liked your report, very well said and done. Nacapture nyo yung attention ng class kahit umabot tayo ng 2 hours." kahit may mga complications pa ng konti yung calculations ok na yun! what matters is that kami ang kaisa-isang group na sinabihan ni sir rex nun. :D ang sarap ng feeling.. lahat kami sa group high na high nung gabing yun. :D

No comments: